Nakapunla sa lupa ang dugo ng mga magbubukid at mamamayan na matapang na nakipaglaban sa diktadurya. Sumusungaw mula sa museleo ng kampo santo ang hinagpis ng daan-daang biktima ng batas militar. Ang kasaysayan ng magiting na pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa diktaduryang Marcos ay hinding-hindi malilimot at ito’y magpapatuloy dahil umiiral pa rin ang pasismo […]
Nalalapit na ang ika-49 na anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas. Mula 1972 hanggang 1981, pumasok sa malubhang krisis ang sambayanang Pilipino dulot ng pasistang rehimen ni Ferdinand Marcos at ng dayuhang amo nito sa Estados Unidos. Naghari si Marcos bilang pangunahing ahente ng dayuhang imperyalismo sa Pilipinas mula 1965 hanggang sa pinatalsik […]