Preambulo Ang unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang gabay sa pagkilos ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kataas-taasang tungkulin ng Partido na ilapat ang teoryang ito sa kongkretong kalagayan ng Pilipinas at isanib ito sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino. Inilulunsad ng Partido ang demokratikong rebolusyon ng bayan bilang kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino na paghahanda […]
Kamtin ang Pambansang Kalayaan at Demokrasya at Hawanin ang Landas para sa Maaliwalas na Sosyalistang Bukas Mula nang muling itatag noong Disyembre 26, 1968, namumukod-tangi ang Partido Komunista ng Pilipinas bilang abanteng destakamento ng proletaryadong Pilipino at namumunong pwersa sa demokratikong rebolusyong bayan sa Pilipinas. Matatag nitong itinaguyod ang kanyang mga rebolusyonaryong prinsipyo at nagtamo […]