Determinado ang rebolusyonaryong kilusan: magtatagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan! Lalaya ang sambayanan!

, , ,

Sa okasyon ng ika-53 anibersaryo ng dakila’t natatanging partido ng mamayan, ang Partido Komunista ng Pilipinas.

Sa pagdiriwang ng ika-53 taon ng Partido Komunista ng Pilipinas ay buong-pusong pinapaabot ng lahat ng mga kasapi ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at mga kaibigan ang aming pagbati. Pinagpupugayan ng National Democratic Front of the Philippines – Cavite ang matagumpay na pamumuno ng Partido sa pagtupad ng prinsipyo’t programa ng Pambansa-Demokratikong rebolusyon.

Sa pahayag ng Sentral na Komite ng Paritdo noong ika-52 anibersaryo, binanggit nito na sa pamumuno ng Paritdo ay tiyak na iigting at aabante ang mga pakikibakang masa sa magdaraang taon. Isa itong katotohanang hindi maiiwasan lalo na sa lalawigan ng Cavite. Nasakishan ng mamayang Pilipino at mga sumusubaybay sa ibayong dagat kung paano nag tiyaga at mahusay na pinangunahan at itinaguyod ng mga Kadre at kagawad ng Partido ang iba’t ibang tipo ng pagkilos sa kabila ng mga madugong kontra-rebolusyon ng rehimeng US-Duterte.

Malinaw ang mga batayan sa lalawigan upang umabante ang rebolusyon. Lalong tumitindi ang tunggalian sa uri; habang ginagawa ng naghaharing uri ang lahat upang umani ng kapital, ang uring anakpawis at mga kaibigan sa uri ay nag-iipon ng lakas para sapinaigting na pakikibaka upang makakamit ang nalalapit na tagumpay ng mamamayang Pilipino.

Litaw pa rin sa lalawigan ang epekto ng neoliberalisyon sa agrikultura, paggawa, pangkalusugan, serbisyong panlipunan, at edukasyon.

Hindi maipagkakaila ang lumalalang problema na dulot ng atrasadong sistemang panlipunang mala-kolonyal at mala-pyudal. Ang mga manggagawa ay naiipit pa rin sa dusa ng mababa’t hindi nakabubuhay na sahod at kawalan ng pangangalaga at proteksyon sa kanila kapalit ng kapital para sa mga kapitalista.

Ang problema sa lupa ng mga magsasaka na sa halip na paunlarin ang mga natitirang lupang sakahan ay pinagananasaan ito ng mga mangangamkam ng lupa. Ang mga tulad ng pamilya Aguinaldo, NGCP, Ayala, at iba pa na nangunguna na ipagtulakan ang mga pyoektong anti-magsasaka katulad na lamang ng pagpapalit-gamit ng lupa para rin sa mga pansariling interes nito. Halos parehas ang sinasapit ng mga mangingisda at mamamayan sa baybay dagat dahil sa mga proyektong makapaminisala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan katulad ng dredging projects at reklamasyon.

Ipinagkakait pa rin ng rehimeng US-Duterte na mabuhay ng payapa ang mga maralita dahil naririyan pa rin ang mga tangkang pagpapalayas at panggigipit sa mga serbisyong panlipunan. Lumalala rin ang kondisyon ng mga estudyante’t propesyunal dahil sa kawalan ng pampulitikang kagustuhan ng mga burukrata-kapitalista na hakbang-hakbang na buksan ang mga paaralan at ipatupadang ligtas na pagbabalik eskwela ng mga kaabtaan-estudyante.

Kaya naman buong-buo ang pagsangayon ng mamayan ng Cavite sa tema ng ika-53 na anibersayo na ipagdiwang ito na mayroong mas pinagtibay na kapasyahan na isulong ang rebolusyon. Sa patnubay ng Partido ay mahusay na isasapraktika ng lahat ng mga kasapi at kabigan ng NDFP-Cavite ang tema at papangunahan ang pakikibaka ng mamamayan ng Cavite buhay man ay ialay.

Sa okasyon ng anibersaryo, aming muling pinagpupugayan ang mga katulad ni Ka Manny Asuncion na naging mahusay na lider-aktibista na binuhos ang lakas sa paglilingkod sa uring anakpawis. Si Ka Kira na tinahak ang makabuluhang landas ng armadong pakikibaka. Gayundin ang pagpupugay kina Ka Laime, Ka Night, at iba pa na tumayong matibay na pundayon ng rebolusyong Pilipino at mga kampeon ng uring anakpawis na hanggang dulo ay naglingkod sa sambayanang Pilipino. Sa kabila ng pagkamartir ng mga makabagong bayani, muli na naman nagkamali at kinain ng rehimeng ang mga pangako at salita nito na madudurog na ang rebolusyonaryong kilusan, dahil sa lalawigan ay higit na lumapad at tumibay ito. Sa katunayan ang pagkawala ng mga kasama ay nagluwal ng mas maraming mahuhusay na mga kasapi at Kadre ng Partido na dudurgog sa mga tigreng papel katulad ni Duterte, Marcos, at Arroyo.

Malinaw ang mensahe: MAGTATAGUMPAY ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN! LALAYA ANG SAMBAYANAN!

Muli, pagbati at pinaka mataas na pagpupugay sa makasaysayang ika-53 anibersaryo ng Partido ng mamamayan!

MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG NAKIKIBAKA!

Determinado ang rebolusyonaryong kilusan: magtatagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan! Lalaya ang sambayanan!