Bakit mabibigo ang AFP na gapiin ang BHB sa NCMR?
Napakalaking kasinungalingan ang ipinagmayabang ni Sec. Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office noong Hulyo 28 na pabagsak na ang rebolusyonaryong kilusan sa North Central Mindanao Region (NCMR). Ito raw ay dahil mayroon nang 2,517 myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na sumurender, 618 Pulang mandirigma na “nanyutralisa” at 10 larangang gerilya na nabuwag sa 2020 lamang. Mayroon din diumanong dagdag na 77 barangay na “nalinis na” at sa gayon ay makatatanggap ng pondo mula sa maanomalyang Barangay Development Program. Si Andanar ang itinalagang koordineytor ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sa Region 10.
Ang totoo, walang nabuwag na larangang gerilya o sentro sa NCMR sa 2020. May mga eryang pansamantalang iniwan pero nananatiling nakapwesto ang mga yunit ng BHB sa estratehikong mga bahagi ng rehiyon. Mayroon ding mga Pulang mandirigmang sumuko pero ilan lamang sila at kadalasan ay bunga ng presyur ng kaaway sa kanilang mga pamilya.
Mula Marso 2020 hanggang Marso 2021, nakapaglunsad ang hukbong bayan sa rehiyon ng 102 taktikal na opensiba kung saan 94 na mga sundalo ang napaslang at 84 ang nasugatan. Samantala, 18 Pulang mandirigma ang namatay sa mga labanan at iba pang dahilan.
Sa gitna ng gitgitang mga labanan, nakapaglunsad ang mga yunit dito ng mga kampanyang agraryo para itaas ang sahod ng mga manggagawang bukid at presyo ng mga produktong agrikultural. Pokus na rehiyon
Mula pa Marso 2018 ginawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pokus na rehiyon ang NCMR. Matapos ang dalawang taonng kabiguang gapiin ang BHB dito, nagsagawa ng reorganisasyon ang 4th ID at 1st ID noong 2020 para itutok ang limang brigada (tatlong buo at ilang bahagi ng dalawa) sa pinaniniwalaan nitong mga subrehiyon.
Isa hanggang dalawang batalyon ang ipinakat ng AFP kada larangang gerilya. Kinatangian ang mga operasyon nito ng okupasyong militar sa kunwa’y “malilinis” na baryo kakumbina ng paglalatag ng mga detatsment para pasukin at palibutan ang tinataya nitong mga “balwarte” ng hukbong bayan. (Sa katapusan ng 2020, bumilang sa 169 ang mga detatsment ng CAFGU at 19 na regular na kampo militar.)
Sinabayan ito ng nakapokus at sustenidong mga operasyong kombat na gumamit ng libong tropa at suportado ng mga eroplano at helikopter na pandigma, drone, mortar at kanyon. Hindi bababa sa 23 ang insidente ng pambobomba mula sa himpapawid gamit ang mga FA-50 fighter jet at helikopter mula Disyembre 2018 hanggang Agosto 2020. Sa 2020, pumatong ang pandemyang Covid-19 na ginamit ng AFP para higit pang manghalihaw sa kanayunan at kontrolin ang galaw ng populasyon.
Pagharap sa pinatinding pang-aatake
Sa pangkalahatan, nagamit ng mga yunit dito ang taktikang gerilya ng paglilipat-lipat at pagiging makilos para panghawakan ang inisyatiba sa digma at imantine ang pleksibilidad ng mga yunit.
Tuluy-tuloy na nagsikap ang mga pwersa dito na itaas ang kakayahang pulitikal-militar ng mga kumander at mandirigma hindi lamang para salagin ang mga atake ng kaaway, kundi para itaas ang antas ng digmang bayan. Tinasa at hinalawan nila ng mga aral ang malalaking sagupaan, gayundin ang mga atake at kontra-atake sa pagitan ng mga yunit nito at ng AFP.
Sa gitna ng pinatinding mga atake, lalong tumimo sa BHB ang pangangailangan ng papalawak at papasinsin na pakikidigmang gerilya sa mas masaklaw na erya. Susi dito ang pagpapatatag at pagpapalawak ng mga base at sonang gerilya. Tungo rito, kinailangang magpakahusay ang mga kumander at mga upisyal ng hukbong bayan sa sistematikong paglulunsad ng rebolusyong agraryo at iba pang kampanya para organisahin at pakilusin ang masa at tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagalingan. Lalo itong naging mahalaga sa pagragasa ng pandemyang Covid-19 at banta nito sa kanayunan kung saan napakakaunti, kung meron man, ng mga imprastrukturang pangkalusugan.
Nabatid din ng hukbong bayan ang pangangailangang kagyat na harapin ang taktikang gradual constriction at pagkubkob ng kaaway sa pamamagitan ng pagsalakay sa mga detatsment nito at paglulunsad ng mga koordinadong opensiba sa antas larangan at subrehiyon. Ito ay para biguin ang disenyo ng kaaway na pagkaitan ang mga mandirigma ng suportang masa at itaboy sila sa malalayong lugar sa kagubatan kung saan mapipilitan ang mga yunit ng BHB na makipagsagupaan sa lantay militar na paraan. Gayundin, matingkad sa mga baryo na may mga detatsment ang dami at brutalidad ng mga pang-aabusong militar sa mamamayan.
Tungo rito, inatasan ng mga komite ng Partido ang hukbo na mahigpit na panghawakan ang batayang oryentasyon ng mga platun at pakilusin ang mga ito sa itinakdang saklaw na kulumpon ng mga baryo. Kasabay nito, kailangang mahigpit na gabayan ng mga yunit ng Partido ang armadong paglaban ng masa at katuwangin sila at mga yunit ng milisyang bayan sa pagtataguyod sa regular na mga pwersa at sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba.
Tiwala ang mga kasama rito na hindi magagapi ng AFP ang BHB at rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon sa nalalabing taon ni Duterte. Puhunan nito ang mga aral na nahalaw sa ilang dekada nang rebolusyonaryong pakikipaglaban at mula sa gitgitang pakikipaglaban sa kaaway, laluna sa nakaraang tatlong taon. Ang karanasang ito ang nagluwal ng mga kadre, kumander at tauhan na may katatagan sa ideolohiya, sapat na kasanayang militar, kahandaan sa sakripisyo at hirap, at di natitinag na diwang palaban.