Unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics, nasungkit

,

Nasungkit ng atletang si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics noong Abril 26. Nanguna siya sa kategoryang women’s 55-kilogram sa kumpetisyon ng weightlifting matapos niyang talunin ang atleta ng China na si Liao Qiuyun. Ang tagumpay na ito ay bunga pangunahin ng kanyang pagsisikap sa kabila ng kakulangan ng suporta mula sa reaksyunaryong gubyerno para sa pagsasanay ng mga atleta.

Una itong nalantad noong 2019 nang humingi si Diaz ng pinansyal na tulong mula sa mga pribadong isponsor dahil aniya’y “hirap na hirap” na siya. Tinarget siya ng mga troll ng rehimen sa social media dahil sa paglalantad na ito. Idinawit din siya ng rehimen sa “Oust Duterte matrix” na inilabas sa parehong taon.

Samantala, parehong nasungkit ng mga atletang sina Nesthy Petecio at Carlos Paalam ang medalyang pilak (ikalawang pwesto) sa kani-kanilang laban sa boksing noong Agosto 3 at Agosto 7. Nananalo naman ng medalyang bronse (ikatlong pwesto) ang boksingerong si Eumir Marcial. Ito ang kauna-unahang Olympics kung saan nakauwi ng mahigit isang medalya ang Pilipinas.

Unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics, nasungkit