Kasong diskwalipikasyon laban kay Marcos Jr., inaantala
Upisyal na isinapubliko ng Commission on Elections (Comelec) noong Enero 30 ang upinyon ni Commissioner Rowena Guanzon sa kasong diskwalipikasyon laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Pinaboran ni Guanzon ang apela na pagbawalang tumakbo ang anak ng diktador dahil napatunayan ng isang hukuman sa Quezon City na nagkasala sa hindi pagbayad ng kanyang mga buwis.
Alinsunod sa nakasulat niyang hatol, “paulit-ulit na nilabag” ni Marcos Jr. ang batas, na nangangahulugan ng o kawalang moral na batayan para habambuhay siyang idiskwalipika sa pagtakbo sa anumang pusisyon sa gubyerno. Inakusahan ni Guanzon ang kapwa niyang komisyuner na si Aimee Ferolino ng pag-aantala sa paglalabas ng desisyon para mabalewala ang kanyang pusisyon. Natapos ang panunungkulan ni Guanzon sa Comelec noong Pebrero 3 nang walang naabot na pinal na desisyon. Noong Pebrero 2, nagrali ang demokratikong mga grupo sa harap ng upisina ng Comelec para suportahan si Guanzon at igiit sa ahensya ang kagyat na ibasura ang kandidatura ni Marcos Jr.