#StopTheBombingsPH, ikinakampanya sa ibang bansa
March 21, 2022
Inilunsad ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) ang kampanya para sa pagwawakas sa walang-patumangga at labis na nakasisindak na mga aerial bombing sa mga sibilyang komunidad sa Pilipinas. Naitala na ang higit sa 200 kaso ng mga aerial bombing at panganganyon ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte.
Inilunsad ng grupo ang kampanya para makahikayat ng mga kaibigan at alyado sa iba’t ibang bansa na suportahan at palawakin ang pagtutol sa aerial bombing na sibilyan ang pangunahing apektado. “Ang mga komunidad ng mga mahihirap na magsasaka at katutubo sa pinakamalalayong lugar ang hinahambalos nito,” ayon sa grupo.
#StopTheBombingsPH, ikinakampanya sa ibang bansa