Mga protesta

,

Ayuda para sa biktima ng Odette. Nagprotesta sa Boy Scout Circle, Quezon City noong Disyembre 29, 2021 ang mga demokratikong organisasyon upang ipanawagan sa rehimen ang kagyat na pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng mga bagyong Odette. Kinundena nila ang kriminal na kapabayaan ng rehimen sa nagdaang kalamidad na sumalanta sa mga prubinsya sa Visayas, Mindanao at ilang bayan sa Palawan.

Hustisya para sa mga minasaker na Tumandok. Ginunita noong Disyembre 30 ng mga kaanak at mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang tao ang unang taon ng brutal na pagpaslang sa siyam na Tumandok at pag-aresto sa 17 iba pa sa isla ng Panay. Nagkaroon ng programa sa Pastrana Park sa Kalibo, Aklan at sa harap ng upisina ng Commission on Human Rights sa Quezon City. Anila, mailap pa rin ang hustisya para sa mga biktima. Dagdag pa rito, nagpapatuloy ang militarisasyon sa mga komunidad ng mga katutubong Tumandok kung saan walang puknat ang paghahasik ng takot at teror ng nakadeploy na militar.

Mga protesta