Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Pagtanggal ng ban sa open-pit mining sa South Cotabato, kinastigo. Tatlong libo ang nagprotesta sa South Cotabato noong Mayo 19 laban sa pagtanggal ng Sangguniang Panlalawigan sa 12-taong pagbabawal sa mapangwasak na open-pit na pagmimina sa prubinsya. Tulak ang pagtatanggal ng ban ng rehimeng Duterte at Sagittarius Mining Inc. para ituloy na $6-bilyong proyektong Tampakan Copper-Gold Mine. Para sa mga residente, grupong maka-kalikasan at simbahan, hindi matutumbasan ng diumano’y kikitain ng mga katutubo hindi lamang ang pinsalang idudulot nito sa kalikasan kundi pati ang pagwasak sa kultura ng mga B’laan at Manobo sa erya.

Marcos Layas!, sigaw ng mga Pinoy sa Melbourne. Sinalubong ng protesta ng mga aktibista at “kakampink” noong Mayo 16 si Ferdinand Marcos Jr. matapos nilang matuklasan na lihim itong nagbabakasyon sa Victoria One Building sa Melbourne, Australia. Anila, “hindi pwede rito ang hindi nagbabayad ng buwis!” Binatikos nila ang panunumbalik ng mga Marcos sa poder at sinabing hindi “welcome” ang pamilya ng diktador sa Australia.

Mga protesta