Radar, pinasabugan ng mga gerilya sa Turkey

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Pinasabugan ng TİKKO (Workers and Peasants Liberation Army of Turkey o Hukbong Mapagpalaya ng mga Manggagawa at Magsasaka ng Turkey), armadong pwersa ng TKP-ML (Communist Party of Turkey/Marxist–Leninist) ang kampo ng pasistang tropa ng Turkish Republic sa rehiyon ng Mennax sa Til Temir noong Mayo 17 ng umaga. Ayon sa ulat ng TKP-ML, napatamaan nito ang radar ng kampo.

Inilunsad ang armadong aksyon kasabay ng ika-49 anibersaryo ng pagkamatay ng kanilang lider na si İbrahim Kaypakkaya. Ayon pa sa grupo, kinikilala nila na ang pinakamahusay na paggunita sa pagkamartir ng kanilang lider ay ang aktibo at matatag na pakikibaka sa lahat ng larangan laban sa pasistang Turkish Republic.

Nagdiwang noong Abril 21 ang TKP-ML ng kanilang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag. Sa okasyong ito, pinagtibay ng grupo ang kanilang pagkakaisa para isulong ang armadong pakikibaka.

Radar, pinasabugan ng mga gerilya sa Turkey