Boykot sa ika-9 na Summit of the Americas

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

NAGPAABOT ANG ILANG bansa sa Latin America at Caribbean na hindi dadalo ang kanilang mga pinuno sa isasagawang ika-9 na Summit of the Americas sa darating na Hunyo 6-10 na pinatawag ng gubyernong Biden sa Los Angeles City.

Naunang ipinabatid ng Caribbean Community noong unang linggo ng Mayo na kung mayroong bansa sa America na hindi iimbitahan sa pagtitipon, ang 14 na bansang kasapi nito ay malamang na hindi rin dadalo. Sinabi ni Biden na hindi niya iimbitahan ang Cuba, Nicaragua at Venezuela.

Sa isinagawang pulong ng mga pinuno ng ALBA-TCP (Alianza Bolivariana para los Pueblos de Nuestra América–Tratado de Comercio de los Pueblos o Alyansang Bolivarian para sa Mamamayan ng Ating America-Tratado sa Kalakalan ng Mamamayan) noong Mayo 27 sinabi ni Miguel Mario Díaz-Canel Bermúdez, presidente ng Cuba, na mahalaga para sa mga bansa sa Latin America at Carribean na palakasin ang “nagsasariling malakas na tinig, pagtutulungan at koordinasyon” para ipagtanggol at paunlarin ang soberanya ng kanilang mga bansa.

Ikinasa ng gubyernong Biden ang pagtitipon para amuin ang mga bansa sa kanilang bakuran na unti-unting nagiging malapit sa katunggali nitong China.

Boykot sa ika-9 na Summit of the Americas