Kakarampot na dagdag sahod, ibibigay sa manggagawa

,
Ang artikulong ito ay may salin sa HiligaynonBisayaEnglish

Matapos ang ilang taon, dinagdagan nang katiting ng rehimeng Duterte ang sahod ng mga manggagawa sa bansa. Nagtaas ng sahod ang karamihan ng mga rehiyon nang ₱15 hanggang ₱110.

Ipatutupad ang mga dagdag-sahod sa dalawa hanggang tatlong bigayan sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon. Magsisimula ang kalakhan ng mga pagtaas ngayong Hunyo.

Sa kabilang banda, mananatiling nakapako sa ₱329 ang sahod ng mga manggagawa sa Region IV-B. Gayundin, malayong-malayo pa rin sa nakabubuhay ang sahod ng lahat sa kabila ng mga dagdag.

Patuloy ang paggigiit ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para sa ₱750 na pambansang minimun na sahod. Nagprotesta sila sa harapan ng Kongreso noong Mayo 23 para itulak ang pagsasabatas ng kanilang panawagan at pagkontrol sa pagsirit ng presyo ng langis at mga bilihin. Sinalubong ang protesta ng barikada ng mga pulis.

Noong Mayo 24, naglunsad din ng protesta ang mga myembro ng KMU-Southern Mindanao Region sa harap ng DOLE-XI Regional Office para itulak ang panawagan para sa pambansang minimum na sahod.

Nagkaroon ng parehong pagkilos na tinaguriang Flores de Endo sa Calamba, Laguna noong Mayo 31.

Kakarampot na dagdag sahod, ibibigay sa manggagawa