Anti-neoliberalismong presidente, nahalal sa Colombia

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Sa kauna-unahang pagkakataon, nahalal sa Colombia ang isang presidente na tinaguriang maka-Kaliwa at anti-neoliberalismo. Nanalo sa eleksyon noong Hunyo 19 sina Gustavo Petro, kasama ng kanyang bise-presidente na si Francia Marquez. Inihahalintulad siya sa mga kahahalal na anti-imperyalistang presidente sa Chile, Honduras at Peru.

Matagal na nagsilbing meyor ng Bogota, pambansang kabisera ng bansa, si Petro. Kilala rin siya bilang dating myembro ng M-19, isang armadong gerilyang grupo, na lumaban sa gubyerno sa dekada 1980. Si Marquez naman ay kilala bilang aktibistang maka-kalikasan.

Anti-neoliberalismong presidente, nahalal sa Colombia