Hindi terorista si Ka Louie, at iba pa
Walang batayang itinalaga ng “Anti-Terrorism Council” (ATC) bilang mga “terorista” sina Ka Louie Jalandoni at 10 iba pang indibidwal sa Resolution No. 31 nito na isinapubliko noong Hunyo 15.
Si Ka Louie ay kilalang negosyador ng National Democratic Front of the Philippines at itinuturing na “kapita-pitagang rebolusyonaryo at tagapagtaguyod ng pambansa-demokratikong kilusan.”
Bukod kay Ka Louie, pinangalanan ng ATC si Simon Naogsan, tagapagsalita ng Cordillera People’s Democratic Front. Kabilang din sa listahan sila Afrecia/Apricia Alvares/Alvares Rosete na diumano’y lider ng PKP sa Western Mindanao; si Maria Luisa Purcray ng Ilocos-Cordillera; Maria Gigi Ascano-Tenebroso ng Kaguma at upisyal sa pinansya ng PKP sa Southern Mindanao at Walter Alipio De Asis Cerbito ng Christians for National Liberation.
Samantala, limang iba pang “terorista” ang iniugnay ng ATC sa “lokal na grupong terorista” na Abu Sayyaf at Daulah Islamiyah.