Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Ayuda para sa mga biktima ng baha sa Quezon City. Tumungo sa upisina ng DSWD ang mga residente ng Barangay Tatalon, Quezon City noong Hulyo 18 para igiit na bigyan sila ng pagkain at ayuda. Mga biktima sila ng abot-leeg na pagbaha sa kanilang komunidad noong Hulyo 16.

Krisis sa kuryente sa Mindoro. Puu-puong residente ng San Jose, Occidental Mindoro ang nagmartsa sa bayan noong gabi ng Hulyo 16 para kundenahin ang perwisyong dala ng mga brown-out dulot ng kapalpakan ng lokal na kooperatiba ng kuryente na bigyan sila ng matinong serbisyo. Balak nilang magsagawa ng mga martsa kada gabi sa loob ng limang araw. Nasa 12-14 oras ang dinaranas nilang brown-out kada araw.

Ligtas na balik eskwela, ituloy na. Nagrali sa harap ng Kongreso noong Hulyo 18 ang mga myembro ng Kabataan Partylist at ACT Teachers Partylist para igiit ang nararapat na mga hakbang para sa ligtas na pagbabalik sa face-to-face na klase sa Nobyembre. Bago nito, nanawagan ang mga guro na huwag nang ipagpaliban ang harapang klase.

Protestang “Atin ang Pinas!” sa Laguna at Manila Bay. Nagsagawa ng fluvial protest ang mga mangingisda ng Pamalakaya sa Laguna at Manila Bay noong Hulyo 12 bilang paggunita sa ika-6 na anibersaryo ng pagpakapanalo ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

Mga protesta