Archive of AB Dailies

Mga bilanggong pulitikal sa Southern Tagalog, ginigipit
August 12, 2022

Dumaranas ng malupit na pagtrato ang mga bilanggong pulitikal na nakapiit sa Pagbilao District Jail – BJMP. Ito ang ibinunyag ng mga grupong nagtatanggol sa karapatang-tao sa Southern Tagalog (ST) sa isang pahayag na inilabas noong Agosto 8. Kinundena ng Karapatan-ST ang ginigipit sa loob ng kulungan kina Ernesto Lorenzo, Renante De Leon, Carlo Reduta, […]

1.3 milyong pamilya, inilaglag sa 4Ps
August 12, 2022

Balak isalang ng mga mambabatas sa isang pagdinig ang pagtanggal ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Erwin Tulfo sa 1.3 milyon hanggang 2 milyong pamilyang Pilipino mula sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Kinukwestyon ng mga mambabatas ang katwiran ni Tulfo na “gumradweyt” na […]

Kasong panunuhol laban kay Sen. de Lima, ibinasura ng Ombudsman
August 11, 2022

Isinapubliko ng upisina ng Ombudsman kahapon, Agosto 10, ang resolusyong nagbabasura sa kasong panunuhol laban kay dating Sen. Leila de Lima at kanyang badigard na si Ronnie Dayan. Ang resolusyon ay nabuo noon pang Enero 5 pero ipinaalam sa upisina ng senador noon lamang Agosto 8. Ibinasura ng Ombudsman ang kaso dahil sa “malalaking di pagkakatugma” […]

Abugadong Pinoy, ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty
August 11, 2022

Ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty si Angelo Karlo Guillen, ang Pilipinong abugado na nakabase sa Panay, dahil sa kanyang pagtataguyod sa karapatang-tao sa Pilipinas. Ang naturang karangalan ay nakapangalan kay Baldwin, ang pangunahing tagapagtatag ng American Civil Liberties Union (ACLU) at International League for Human Rights. Iginawad sa kanya ang karangalan […]

Pambansang minorya, kinundena ang ahensyang pangkatutubo
August 11, 2022

Noong Agosto 9, pandaigdigang araw ng mga katutubo, nagmartsa ang mga grupo ng pambansang minorya at kanilang mga tagasuporta patungo sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples sa Quezon City. Sa pangunguna ng grupong Katribu, tinuligsa nila ang walang habas na pagkakalat ng disimpormasyon at pasismo ng ahensya. Anila, ang paglaganap ng pekeng impormasyon […]

68-anyos tagapagtanggol ng kalikasan, nakalaya na
August 10, 2022

Nakalaya na ngayong araw, Agosto 10, si Daisy Macapanpan, 68-anyos na tagapagtanggol ng kalikasan, matapos ikulong ng dalawang buwan sa gawa-gawang kasong rebelyon. Matatandaang marahas na inaresto ng malaking pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Special Action Force (SAF) si Macapanpan sa kanyang bahay sa Pakil, Laguna noong Hunyo 11. Ang pansamantalang paglaya ni […]

Drayber ng habal-habal sa Guihulngan City, inaresto at sinampahan ng gawa-gawang kaso
August 09, 2022

Inaresto ng pinagsanib na pwersang militar ng 62nd IB at pulis ang drayber ng habal-habal na si Roldan Baydal, 32 anyos, sa kanyang bahay sa Sityo Punong, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental kahapon, Agosto 8. Pinalalabas ng mga pulis na nakuha sa kanya ang isang kalibre .38 rebolber, rifle grenade at mga bala. Si […]

Matapos ang 9 na taon: Tuloy ang laban ng mga magsasaka kontra Golden Rice
August 09, 2022

Naglunsad kahapon, Agosto 8, ng koordinadong mga aktibidad at pagkilos ang iba’t ibang samahang magsasaka at mga organisasyong tutol sa paggamit ng genetically modified organism (GMO) na palay o golden rice. Itinaon nila ito sa araw kung kailan binunot ng mga magsasaka sa Camarines Sur ang mga punla ng golden rice, siyam na taon na […]

Agosto 9: Araw ng mga Martir sa Northeast Mindanao, ginunita
August 09, 2022

Ginunita ngayong araw, Agosto 9, ng rebolusyonaryong kilusan sa Northeast Mindanao ang Araw ng mga Martir. Taun-taon itong idinadaos ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon at mga organisasyong masa bilang pagdakila sa ultimong sakripisyo ng pag-aalay ng buhay para sa pambansa at demokratikong adhikain ng mamamayang Pilipino. Itinaon ang pagkilala […]

Buhay ni Ka Fidel, ginunita sa kanyang kaarawan
August 09, 2022

Ginunita kahapon, Agosto 8, ng mga progresibong grupo, tagapagtaguyod ng kapayapaan, kakilala at kaibigan ni Ka Fidel Agcaoili ang kanyang ika-73 kaarawan sa isang pagtitipon sa UP Diliman sa Quezon City. Pinasinayaan ang parangal-pagtitipon ng grupong Pilgrims for Peace, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ACT for Peace, Migrante International at iba pang mga organisasyon. May tema […]