Operasyong Partisano Laban kay Sgt. Madellar, Matagumpay!
Matagumpay ang isinagawang operasyong partisano ng isang tim ng Pulang Hukbo ng SBC-BHB-Albay laban kay Police Staff Sgt. Allan Madellar noong Setyembre 25 bandang alas 11:00 ng gabi sa Brgy. Peñafrancia, Daraga. Siya ay nakatalagang intelligence at warrant officer ng Guinobatan Municipal Police Station.
Kasinungalingan ang sinasabing mabait at walang krimen laban sa mamamayan si Sgt. Madellar. Siya ay bahagi ng yunit ng PNP at AFP na masigasig na mga “bounty hunter” laban sa mga hinihinalang kasapi ng BHB at mga sibilyang inuugnay sa rebolusyonaryong kilusan. Sa pagiging intelligence officer, aktibo siya sa pagdodoktor ng mga ebidensya at nangunguna sa pagsasampa ng gawa-gawang kaso laban sa kanilang mga target upang bigyang matwid ang kanilang iligal na pang-aaresto’t pamamaslang kapalit ng makokolektang reward sa bawat mahuhuli o mapapaslang nila.
Masigasig din si Sgt. Madellar sa paglalatag ng mga asset sa paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan sa mga bayan ng Daraga at Guinobatan. Ang operasyong pamamarusa ay isinagawa sa gitna ng pagdalo niya sa isang pagtitipon sa Brgy. Peñafrancia bilang bahagi ng kanyang trabaho sa pagiging intelligence officer.
Ang operasyong ito ay isang hakbang sa mahaba ngunit tiyak na landas sa pagkakamit ng rebolusyonaryong hustisya para mga biktima ng Synchronized Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa probinsya na nagpipiit at pumapaslang sa mga aktibistang lumalaban para sa karapatan, katarungan at kalayaan at maging sa mga simpleng mamamayan na pinaghihinalaan lamang.
Hinihikayat ng SBC-BHB-Albay ang mga aktibong ahente ng pulis at militar na ilantad at mapagpasyang suwayin ang pambansang atas na ‘KILL! KILL! KILL!’ at ‘Ignore Human Rights’ ng punong berdugong si Duterte. Makiisa sa malawak na hanay ng mamamayan na nananawagan at humihingi ng mapagpasyang pagpapanagot sa walang habas na pagsalaula sa karapatang tao at paghahasik ng karahasan sa sangkatauhan ng rehimeng US-Duterte.