609 bilanggong pulitikal, palayain!
IPINANAWAGAN NG Karapatan ang agarang pagpapalaya sa 609 bilanggong pulitikal sa bansa, laluna ang matatanda at may malulubhang karamdaman. Ito ay upang mailayo sila sa masikip at bulnerableng kundisyon sa mga kulungan sa panahon ng pandemyang Covid-19.
Binigyan ito ng bagong tulak matapos manawagan si United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na magpalaya ang mga bansa ng mga bilanggo para ibsan ang pagsisiksikan sa mga kulungan. Tumugon na sa panawagang ito ang Iran, Brazil at iba pang bansa.
Naglunsad din ang grupo ng kampanyang #SetThemFree at #FreePoliticalPrisonersPH sa social media. Bago nito, nanawagan ang mga simbahan na palayain ang mga detenidong pulitikal, kabilang ang National Council of Churces of Philippines at ang Archdiocese ng San Carlos.
Malaking bahagi (209) ng mga bilanggong pulitikal na inaresto sa panahon ni Duterte ay mga magsasakang inakusahang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.