Klinikang bayan, pagkain at produksyon, tugon ng BHB sa Covid-19

,

Hi­git 1,000 mag­sa­sa­ka ang na­big­yan ng ser­bi­syong me­di­kal ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB)-Central Neg­ros (Leo­nar­do Pa­na­li­gan Com­mand) noong hu­ling ling­go ng Mar­so. Tugon ito sa pa­na­wa­gan ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas (PKP) na maglunsad ng kam­pan­yang pang­ka­lu­su­gan bi­lang pag­ha­rap sa pan­dem­yang Covid-19. Pinagtuunan ng mga medik ng pansin ang ma­ta­tan­da at bun­tis. Nag­sa­ga­wa sila ng mga tsek-ap at na­ma­ha­gi ng mga pin­ro­se­song ha­la­mang ga­mot pa­ra sa lag­nat, ubo at si­pon. Na­mi­gay din ang BHB ng mga bi­ta­mi­na bi­lang pan­la­ban sa sa­kit. Ka­sa­bay ni­to ang kam­pan­ya sa im­por­ma­syon hing­gil sa pan­dem­ya.

Ka­tu­wang ng BHB sa pag­da­os ng kli­ni­kang ba­yan ang mga ko­mi­te sa ka­lu­su­gan ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong ma­sa. Tu­mu­long din ang mga bo­lun­tir ng Ma­ki­ba­ka at Ka­baa­ta­ang Ma­ka­ba­yan.

Sa Bicol, 260 pa­mil­ya mu­la sa tatlong ba­ra­ngay ang na­ba­ha­gi­nan ng yu­nit ng BHB ng bi­gas noong hu­ling ling­go ng Mar­so. Apek­ta­do na ang mga ba­ra­ngay na ito ng kri­sis sa pag­ka­in na du­lot ng lockdown ng re­hi­men. Pi­na­nga­si­wa­an ng yu­nit ng BHB at re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong ma­sa ang pangkagipitang pa­ma­ma­ha­gi sa mga pa­mil­yang apek­ta­do. Ang pon­dong gi­na­mit pa­ra ri­to ay mu­la sa na­li­kom na re­bo­lu­syo­nar­yong bu­wis.

Nag­lun­sad din ng mga kam­pan­ya sa im­por­ma­syon ang mga yu­nit ng BHB sa is­la ng Pa­nay, pru­bin­sya ng Quezon, at iba pang mga er­yang kinikilusan ng huk­bong ba­yan.

Ang mga pag­si­si­kap na ito ay ba­ha­ging tu­gon sa pa­na­wa­gan ng PKP na aga­pan ang ka­la­ga­yan ng ma­ma­ma­yan. Ka­sa­bay ni­to, kai­la­ngang itu­lak ang pro­duk­syon sa mga rebolusyonaryong teritoryo. Ini­la­bas ang pa­na­wa­gan sa ha­rap ng tu­mi­tin­ding mga pa­hi­rap na re­sul­ta ng mga pag­ba­ba­wal sa lockdown ng re­hi­meng Du­ter­te sa Luzon at iba pang ba­ha­gi ng ban­sa. Atas din ng Par­ti­do na paig­ti­ngin ang ga­wa­ing pang-e­ko­nom­ya sa mga re­bo­lu­syo­nar­yong te­ri­tor­yo.

Sa aktwal, hin­di la­mang sa Luzon ang lock­down. Ma­ra­ming lo­kal na gub­yer­no ang nag­pa­taw ng sa­­pi­li­tang pag­bu­bu­kod at pag­sa­sa­­ra ng mga hang­­ga­nan. Ti­gil ang mga ope­­ra­syon ng ne­­go­syo, transpor­ta­syon, eskwe­la­han, sim­­­ba­han at iba pang sosyo-ekonomikong aktibidad sa ma­ra­ming pru­bin­sya. Da­hil di­to, wa­­lang ki­ni­ki­ta ang ma­yor­ya at hi­rap si­lang bu­mi­li ng pag­ka­in, ga­mot at iba pang pa­nga­ngai­la­ngan. Sa ilang pru­bin­sya, ta­nging ang sim­ba­han pa la­mang ang na­ma­ma­ha­gi ng ayu­da. Ma­ku­pad, kung me­ron man, ang ibi­ni­bi­gay na tu­long ng mga lo­kal na pa­ma­ha­la­an. La­long wa­lang sub­sid­yo mu­la sa pam­ban­sang gub­yer­no.

Sa ga­yon, hi­ni­ka­yat ng Par­ti­do ang mga yu­nit ng BHB at mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong pang­ma­sa na magpla­no ng pag­ta­ta­nim ng pag­ka­ing pang­ka­gi­pi­tan. Ka­bi­lang di­to ang pa­lay, ka­mo­te at iba pang ha­la­mang-u­gat, sa­ging, mais, petsay at iba pang gu­la­y na maaa­ring ani­hin sa loob ng maik­sing pa­na­hon.

Ilun­sad ang mga kum­pe­ren­syang pang-e­ko­nom­ya pa­na­wa­gan ng PKP. Ta­ta­sa­hin sa mga ito ang mga pa­nga­ngai­la­ngan at im­bak, at ka­ka­ya­han sa pro­duk­syon ng mga sa­ma­han. Mu­la ri­to ay mag­buo ng pla­nong sa­sak­law sa na­ti­ti­rang mga bu­wan.

Hi­ni­mok din ng Par­ti­do ang mga pa­ngi­no­ong may­lu­pa na ipa­ga­mit ang ka­ni­lang mga lu­pa­in nang wa­lang upa. Hi­ni­ngi rin sa ka­ni­la na mag­bi­gay ng tu­long pi­nan­sya­l, pag­pa­pa­ga­mit ng mga pa­si­li­dad at iba pang re­kur­so. Ga­yun­din, hi­ni­ka­yat ng Par­ti­do ang mga lo­kal at in­ter­na­syu­nal na ahen­sya­’t or­ga­ni­sa­syon na mag­bi­gay ng la­hat ng ti­po ng tu­long sa ma­ma­ma­yan sa ka­ni­lang pro­duk­syo­n.

Klinikang bayan, pagkain at produksyon, tugon ng BHB sa Covid-19