Archive of NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)

Isinasapanganib ng pagsasanay na Balance Piston 22-3 ang buhay ng mga Palaweño
August 25, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang kasalukuyang inilulunsad na pagsasanay-militar sa pagitan ng tropang US at Pilipinas sa ilalim ng Balance Piston 22-3 Exercise sa Honda Bay, Puerto Princesa City at sa Punta Baja, bayan ng Rizal sa Palawan. Sinimulan ang nasabing pagsasanay noong Agosto 16 na tatagal ng isang buwan hanggang Setyembre 16. […]

Justine Kate “Ka Celin” Raca: taksil sa rebolusyon at sa mamamayang Palaweño!
March 20, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Mariing tinutuligsa ng Bienvenido Vallever Command (BVC)-BHB Palawan ang tahasang pagpapagamit ni Justine Kate Raca sa Western Command (WESCOM) at Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa paghahasik ng mga kasinungalingan at panlilinlang sa mamamayan. Itinatakwil ng BVC si Raca, na nakilala ng mamamayang Palaweño bilang Ka Celin/Mira, at dating Pulang […]

Bibiguin ng BVC-NPA Palawan at mamamayang Palaweño ang atas ni AFP Chief Centino sa WESCOM
March 10, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Hindi magtatagumpay at tinitiyak ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan na mabibigo ang atas ni AFP Chief Andres Centino sa Western Command na durugin ang kilusang rebolusyonaryo sa isla bago magtapos ang termino ni Duterte. Buong pagmamalaking iniutos ito ng pasistang pinuno sa pananalita sa ika-46 taong anibersaryo ng WESCOM noong Marso 4 kung saan tinukoy […]

Tutulan ang muling pagpasok at pag-opereyt ng mga mapaminsalang mina! Ipagtanggol ang mga lupang sakahan at lupaing ninuno sa Palawan
March 10, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng Bienvenido Vallever Command (BVC-NPA Palawan) at ng mamamayang Palaweño ang pag-aalis ng rehimeng Duterte sa mga restriksyon sa pagmimina sa bansa at sinusuportahan nito ang pakikibaka ng mamamayang Palaweño laban sa mga mapaminsalang mina at iba pang proyekto ng rehimeng Duterte na anti-mamamayan at makadayuhan. Hindi pa nasapatan sa pagsusubasta ng karagatan […]

Opensiba laban sa 3rd MBLT, tagumpay!
July 14, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Matagumpay na inambush ng isang yunit ng Bienvenido Valleber Command – Bagong Hukbong Bayan-Palawan ang nag-ooperasyong tropa ng 3rd Marine Battalion Landing Team sa Sityo Kayasan, Barangay Nicanor Zabala, Roxas noong July 13. Alas-dose ng tanghali nasapol ng pinasabog na dalawang command detonated explosives ang naglalakad na isang platun ng Marines. Pilit na tinatago ng […]

Panibagong kasinungalingan ng Western Command, laban sa NPA Palawan!
April 10, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng Bienvenido Vallever Command ang paghahasik ng terorismo sa hanay ng mga katutubong Batak at Tagbanwa sa Barangay Concepcion sa bayan ng Puerto Princesa City. Sa pinakadesperadong hakbang nito, naglubid ito ng isang senaryo at malaking kasinungalingan na diumano ay may naganap na labanan sa pagitan ng 3rd MBLT at diumano mga NPA. […]

Paglilinaw Hingil sa Pagpaslang Kay Atty. Eric Jay Magcamit at Engr. Gregorio Baluyot
December 04, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) |

Nais ipaabot ng Bienvenido Vallever Command – New People’s Army sa Palawan sa masang Palaweno ang paglilinaw sa balitang lumabas sa social media at radio kaugnay sa dalawang magkahiwalay na pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit at kay Engr. Gregorio Baluyot. Ipinagbibigay alam namin sa madlang Palaweño laluna sa pamilya at mga kaibigan ng mga […]

Hingil sa Nangyaring Ambush sa Rescue 165
August 13, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Salvador Luminoso | Spokesperson |

Nang makarating sa kaalaman ng pamunuan ng Bienvenido Vallever Command (BVC) ang nangyaring ambus sa Rescue 165, kaagad na naglabas ng kautusan ito upang imbestigahan kung sangkot ang anumang yunit ng NPA-Palawan sa insidente. Kaalinsabay, mahigpit na tatalima ang BVC sa direktiba ng Melito Glor Command bilang pinakamataas na otoridad ng NPA sa rehiyong Timog […]

Pamamarusa sa 4th MBLT, sagot ng NPA-Palawan sa Focus Military Operations ng WESCOM at PPTF-ELCAC
July 26, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Salvador Luminoso | Spokesperson |

  Matagumpay na pinarusahan ng isang tim ng Bienvenido Vallever Command ang mga elemento ng 4th MBLT habang sila ay pauwi mula isinagawa nitong operasyon sa magubat at mabundok na bahagi ng mga sityong saklaw ng Brgy. Aribungos Brooke’s Point Palawan. Naganap ito nitong Hulyo 20 bandang 1:40 ng hapon sa Sityo Lagasen, Brgy. Aribungos, […]

Pananakot ng PAF – WESCOM sa mga Sibilyang Residente, Kinukundena ng NPA Palawan!
July 15, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Salvador Luminoso | Spokesperson |

Nakarating sa aming pagkakaalam ang ginagawang panghaharas at pananakot ng mga elemento ng Philippine Air Force sa mga residenteng naninirahan sa nasasakupan ng AFP – WesCom Reservation, at dahil sa sukdulang kasamaan ginagamit ng mga mersenaryong ito ang pangalan ng New People’s Army! Nagkakalat ang PAF-TOW-West ng teror sa mga sibilyang tumututol sa iligal na […]