Mga sundalong gwardya ng kalsadang pangmina sa Agusan, inatake ng BHB
Walong armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isinagawa nitong reyd laban sa 29th IB sa Barangay Maraiging, Jabonga, Agusan del Norte noong Setyembre 28. Tig-dalawang R4 at M16-A1, isang M14 at tatlong kalibre .45 na pistola ang nasamsam sa reyd. Apat na sundalo ang napatay at dalawang iba pa ang nasuatan.
Nagsisilbing gwardya ang mga sundalo sa konstruksyon ng kalsada ng pribadong kumpanyang Z’Charles Construction. Ang kalsadang ito ay pinalalabas na “farm to market road” pero sa aktwal ay magsisilbing daanan ng mga trak at kagamitan ng mga kumpanyang mina na balak mag-opereyt sa luar.
Sa Rizal, inambus ng BHB-Rizal noong Setyembre 30 ang mga elemento ng 80th IB na nag-ooperasyon sa Sityo Ilas, Barangay Puray, Rodriguez. Dalawang sundalo ang napatay.