Antolohiyang Ulos, lumabas na
Lumabas na ang ginintuang isyu ng Ulos (Disyembre 2018 at Marso 2019), ang pangkulturang dyornal ng pambansa-demokratikong kilusan sa pangangasiwa ng ARMAS (Artista at Manunulat ng Sambayanan) sa pamamatnubay ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo). Malugod na ihinahandog ng ARMAS ang antolohiyang ito sa ika-50 anibersaryo ng dakilang partido ng uring proletaryado at ng pangunahing armadong organisasyon nito, ang Bagong Hukbong Bayan.
Bilang pagsisimbolo ng 50 taong buhay-at-kamatayang pakikibaka, nilalaman ng ginintuang isyu na ito ang 50 piling tula, awit, sanaysay, kwento at iba pang naratibo, at mga likhang sining ng mga kilalang manunulat at artista tulad nina Eman Lacaba, Romulo Sandoval, Kris Montañez, Jose Maria Sison, Alan Jazmines, Wilfredo Gacosta, Servando Magbanua, Kerima Lorena Tariman, Mayamor, Alice Guillermo, Neil Doloricon, Parts Bagani, Silvia Madiaga at iba pang mga kadre ng Partido, Pulang kumander at mandirigma at organisador ng masa. Maaaring i-download ang inyong kopya sa Philippine Revolution Web Central (cpp.ph).
Inianunsyo rin ng Patnugutan ng Ulos na bukas ito sa pagtanggap ng mga akdang literatura at likhang sining para sa Ulos 2022. Maaari lamang na ipadala ninyo ang inyong kontribusyong akda o likha sa [email protected].