Anibersaryo ng Communist Party of India-Maoist, ipinagdiwang

,

Ipinagdiriwang ng Communist Party of India (CPI)-Maoist ang ika-17 anibersaryo nito ngayong Setyembre 21. Ginugunita ang anibersaryo sa isang linggong selebrasyon na nilalahukan ng rebolusyonaryong mamamayan ng India, mga mandirigma ng People’s Liberation Guerrilla Army at ng masang magsasaka at manggagawa.

Sinaluduhan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang mga kasamang Indian sa pagharap sa mga hamon at balakid para isulong ang digmang bayan sa India. Tulad sa Pilipinas, dumaranas ang mamamayan doon ng pang-aapi at pagsasamantala sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan. Kapuri-puri ang pamumuno at pagsuporta ng CPI-Maoist sa mga pakikibakang masa ng mamamayang Indian, laluna sa masang magsasaka sa kanilang paglaban sa neoliberal na mga patakaran sa pagsasaka sa gitna ng rumaragasang pandemya.

Nakikiisa ang Partido sa panawagan ng CPI-Maoist na patatagin at palawakin pa ang mga dambuhalang pagtitipon ng mga magsasaka at biguin ang pagpapanatili ng naghaharing pangkating Hindutwa sa porma ng partidong BJP sa papalapit ng eleksyong Indian.

Anibersaryo ng Communist Party of India-Maoist, ipinagdiwang