Pagpugay kay Abimael Guzman, lider komunista ng Peru

,

Nagpahayag ang Partido Komunista ng Pilipinas ng pakikiramay sa lahat ng manggagawa, magsasaka at aping uri at sektor ng Peru sa pagkamatay ng rebolusyonaryong lider na si Manuel Rubén Abimael Guzmán Reynoso. Kilala siya bilang Presidente Gonzalo, tagapagtatag at lider ng Partido Komunista ng Peru (Sendero Luminoso o Daang Maliwanag), ang isa sa maniningning na tala ng armadong paglaban sa buong mundo noong dekada 1980 at 1990.

Mariing kinundena ng Partido ang gubyerno ng Peru sa “matagal na pagpapahirap sa pamamagitan ng pisikal at mental na tortyur” kay Gonzalo. Dumaan siya at iba pa niyang kasamang rebolusyonaryo sa paulit-ulit na iligal na paglilitis. Namatay si Gonzalo sa edad na 86 sa bilangguan sa Peru kung saan ikinulong siya sa nakaraang 29 taon.

Pagpugay kay Abimael Guzman, lider komunista ng Peru