Ang Pride ay protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishHiligaynon

Daan-daan ang delegasyon ng pambansa-demokratikong grupo ng LGBTQ+ na Bahaghari sa protestang Pride sa Pasay City at Quezon City noong Hunyo 25 at 28. Panawagan nila, singilin ang rehimeng Duterte at labanan ang papasok na ilehitimong rehimeng Marcos II.

Kabilang sila sa hindi bababa sa 55,000 lumahok sa mga protestang Pride na inilunsad sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pangunahing tema ng mga protesta ang panawagan ng sektor laban sa diskriminasyon at pang-aapi, pagkilala sa kanilang karapatan at pagsusulong sa panukalang SOGIE Equality.

Inilunsad din ang mga aktibidad sa mga syudad ng Baguio, Iloilo, Dumaguete, Butuan, sa Romblon, Cebu, Misamis Oriental at iba pang lugar sa bansa. Samantala, pinamunuan ng Southern Tagalog Pride ang isang panrehiyong protesta sa UP Los Baños noong Hunyo 28.

Ang Pride ay protesta