Search warrant laban sa mga Tumandok, ibinasura
July 21, 2021
[EDITED: 9PM, July 23, 2021] Ipinawalambisa ng Capiz Regional Trial Court Branch 21 ang pitong search warrant na ginamit ng mga pulis sa pagsalakay sa 8 komunidad sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo noong Disyembre 2020 na nagresulta sa pagmasaker sa siyam na Tumandok at pag-aresto sa 16 pa. Ipinag-utos na ng korte ang pagpapalaya sa apat sa mga inaresto. Nakalabas sila ng piitan noong Hulyo 8.
Ang pagpapawalambisa ay pangatlo nang pagkakataon na ibinasura ang mga ginamit na mandamyento sa pananalakay sa mga prubinsya na inilabas ng mga hukom na nakabase sa National Capital Region. Bago nito, ipinagbawal na ng Korte Suprema ang paglalabas ng mga hukom ng mga search warrant para sa mga lugar na hindi saklaw ng kanilang hurisdiksyon.
Search warrant laban sa mga Tumandok, ibinasura