Kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang kasalukuyang inilulunsad na pagsasanay-militar sa pagitan ng tropang US at Pilipinas sa ilalim ng Balance Piston 22-3 Exercise sa Honda Bay, Puerto Princesa City at sa Punta Baja, bayan ng Rizal sa Palawan. Sinimulan ang nasabing pagsasanay noong Agosto 16 na tatagal ng isang buwan hanggang Setyembre 16. […]
Magpupunyagi ang sambayanan upang biguin ang kontra-rebolusyonaryong gera sa ilalim ng bagong hepe ng AFP na si Lt. Gen. Bartolome Bacarro. Dito sa TK, magpapatuloy at paiigtingin pa ng mga rebolusyonaryong pwersa ang higit isang taong paglaban kay Bacarro na nagsilbi sa 2nd ID at SOLCOM mula Abril 2021 hanggang Hulyo 2022. Ibayong magpapalakas at […]
Dapat tutulan sa pinakamilitanteng paraan ang pinapakanang pag-iinstitusyunalisa sa anti-komunistang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa tabing ng diumanong kapayapaan at kaunlaran. Mula nang itatag ang teroristang task force na ito noong 2018, lalong nilukob ng ligalig ang pamumuhay ng mamamayang Pilipino. Higit pang lumaganap ang karahasan sa buong bansa […]
Dumanak na naman ang dugo ng mga sibilyan sa kamay ng pasistang 59th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) na patuloy na naghahasik ng karahasan at disimpormasyon sa Batangas. Pinakahuling biktima ng mga pasista si Maximino Digno, 50, na pinatay sa kanyang sinasakang lupa sa Brgy. Cahil, Calaca noong Hulyo 26. Walang kahihiyan pang […]
Dapat harapin at panagutan ng GRP at AFP-PNP ang mga kaso ng pagpatay sa mga sibilyan at mga paglabag sa internasyunal na makataong batas (international humanitarian law o IHL) at alituntunin sa digma na naganap sa TK nitong Hulyo. Pangitain ito na ipagpapatuloy ng panibagong rehimeng Marcos II ang dating patakaran ng pasistang rehimeng Duterte […]
Lubhang nahihiwalay at hindi nauunawaan ng bagong rehimeng Marcos-II ang tunay na kalagayan at ang krisis na kinakaharap ng sambayanang Pilipino. Sa higit isang oras na talumpati ni Marcos, tiniyak niya na mamumulaklak ang Batasang Pambansa sa bawat salitang kanyang bibitawan sa harap ng madla. Pinaghehele niya ang mamamayan sa mga pangako at panaginip sa […]
Dapat parusahan ang teroristang 76th IB sa ilalim ng 203rd Brigade sa walang awang pagpatay kay Kapitan Dante Yumanaw sa Sityo Tiyabong, Brgy. Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro noong Hulyo 15, 2022. Idinamay ng mga pasista si Yumanaw nang maka-engkwentro nila ang isang yunit ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro sa araw na iyon. Lalo nitong […]
Walang puwang para hayaang manatili sa Batangas ang AFP-PNP sa harap ng sunud-sunod nitong pang-aatake sa mamamayan ng probinsya, na kahapon, Hulyo 18, ay nagresulta sa pagkamatay ng isang siyam na taong batang babae. Makatwiran at napapanahong padagundungin ang ating panawagan: Palayasin ang militar sa kanayunan! Parusahan ang berdugong AFP-PNP sa pandaharas sa mamamayan! Napaslang […]
Binabaluktot ng 59th IB-PA ang naganap na enkwentro sa Bgy. Guinhawa, Taysan noong Hulyo 18 upang pagtakpan ang kanilang pananagutan sa pagkamatay ng siyam na taong batang babae. Sa inilabas na pahayag ng nasabing mersenaryong batalyon, pinalalabas nilang may dalawang enkwentrong naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA at mga tropang militar sa Sityo […]
Kinokondena ng LdGC-NPA-Mindoro ang pagpaslang ng 76th IBPA kay Kapitan Dante Yumanaw noong ika-15 ng Hulyo, bandang alas-8:00 ng umaga sa sityo Tiabong, Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro. Bukod dito, walang habas na pinagbabaril din ang kasama ni Kapitan Dante at gumawa ng marahas na aksyon laban sa Batangan-Mangyan ng sityo Tiabong, maging sa hanay ng […]